misteryoso talaga ang earth nu?
ako. ito na naman. naliligaw.
hindi pala. naiinis. na naman.
oo, na naman.
ang aming pamilya ay nagtataglay ng isang tindahan – sari-sari store, munting handog sa amin ng aking pumanaw na lola ( sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo…Siya Nawa ), at sa hindi maiiwasang dahilan, madalas kong matagpuan ang aking sarili sa tindahang nabanggit. madalas, kaharap ko ang telebisyon, kapit-kamay ang remote control na sa kasalukuyan ay kailangan munang pukpukin bago maisipang gumana, sa kabila’y pumipilas ng kung anong madampot na tsitsirya.
…
wala lang.
indi. may konek yan. dahil sa gawain kong iyan ako madalas, as madalas, AS IN MADALAS, akong mainis.
situation 1
ang ale ay bibili ng happy peanuts. ako, eto, masunurin at pipilas na sana ng happy blue na malimit bilhin, at inakala kong type niya rin gaya ng marami, nang biglang gumatong si ale at sinabing yung maanghang. “ahh, ok.” at inilapag ko na ang hinihingi.
ngunit biglang nagalit, at sinabing – “hindi yan. ito o.” – sabay turo sa happy green.
P.S. ang kulay green na happy ay “chicken adobo-flavored”
situation no.2
isang manong gusgusin, hindi ko mawari kong bibili o hihingi ng limos, o kung ‘di naman kaya ay baliw na hihingi ng sigarilyo at sisindian sa maling dulo, ay lumapit at nagtanong…
“totoy, may ice tubig ba kayo?”
sasagot na sana ako ng – “wala po e.” ngunit ang manong ay gumatong at nagsabing
“yung malamig ha.”
may makakapagsabi po ba sakin kung mainit ang iced tubig?
situation no. 3
‘sang bata. dugyot.
kainis.
“kuya, pabili po ng solo.”
“ano?” – ang naging tugon ko.
“solo po. coke.”
at napaisip ako kung…
“may coke solo na pala. kelan pa?”
marahil. malamang lang. cguro.
bobo ang mga pinoy.

Recent Comments